Sabado, Abril 9, 2011

”BAHAY BAHAYAN: ISANG PAG-AARAL SA NARARANASANG SULIRANIN SA PABAHAY NG MGA MAMAMAYANG NANINIRAHAN SA BAYBAYING ILOG PASIG


Republika ng Pilipinas
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
Departamento ng Sosyolohiya, Dalubhasaan sa Sining
Sta.Mesa, Maynila



”BAHAY BAHAYAN: ISANG PAG-AARAL SA NARARANASANG SULIRANIN SA PABAHAY NG MGA MAMAMAYANG NANINIRAHAN SA BAYBAYING ILOG PASIG NG PUNTA, STA.ANA




Isang Tesis na Ipinasa sa Departamento ng Sosyolohiya bilang bahagi sa pagtatapos ng Kursong Batsilyer ng Agham  sa Sosyolohiya



Nila:
Yuwen M. Abela
Vicitacion Alegria L.Luneta
Mary Rose D. Sarturio




Marso 2009

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
Departamento ng Sosyolohiya, Dalubhasaan sa Sining
Sta.Mesa, Maynila

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang tesis na pinamagatang Bahay Bahayan
“Isang Pag-aaral sa Nararanasang Suliranin sa Usapin sa Pabahay ng mga Mamamayang Naninirahan sa  baybaying Ilog Pasig ng Punta, Sta.Ana sa Nakaambang Demolisyon at sa Epekto sa kanila ng Rehabilitasyon ng Ilog Pasig bilang Proyektong Pangkaunlaran ng Gobyerno” na inihanda nila Yuwen M. Abela, Vicitacion Alegria L. Luneta at Mary Rose D. Sarturio ay tinanggap bilang panimulang pangangailangan sa pagtatapos ng kursong Batsiler ng Agham sa Sosyolohiya.


____________________               ______________________
Prof. Justin Nicholas                    Dr. Emanuel de Guzman
Tagapayo                                   Tagapamahala,
Departamento ng Sosyolohiya


­­­­­­­­______________________
Dr. Nenita Buan
Dekana,
Kolehiyo ng Sining



Tinanggap bilang panimulang pangangailangan sa pagtatapos sa kursong Batsiler ng Agham sa Sosyolohiya ng lupon sa pasalitang pagsusulit






______________________                   _____________________
Dr. Emanuel de Guzman                        Prof. Roseller Luciano
PUP Sta.Mesa                                     PUP Sta.Mesa



_____________________
Dr. Edberto Villegas
UP Diliman













Dedikasyon
__________________________________________________
               



…Inaalay ang Tesis na ito para mga maralitang

mamamayan ng Punta, Sta.Ana na sa amin ay buong pusong

tumanggap, kumanlong at naniwala, mga napagkaitan at pangunahing

biktima ng nabubulok na sistemang umiiral sa kasalukuyang mala-

kolonyal at mala-pyudal na Pilipinas.
               











__________________________________________________
Pasasalamat
__________________________________________________

Pinasasalamatan ng mga mananaliksik ang mga masa sa Punta, Sta.Ana na naging inspirasyon sa amin sa pagawa ng tesis na ito. Sila ang nagbukas ng aming isipan sa mga reyalidad ng lipunan at nagpatibay sa aming paniniwala at paninindigan, ang mga aral at eksperyensya namin sa lugar na ito ay hindi namin malillimutan.
Ang mga nag-alaga at nagpatuloy sa amin habang kami ay nasa lugar na naging pamilya na para sa amin sila Nanay Shierly aty Laleng at kanilang pamilya na nagpakain at nagbukas ng kanilang bahay para aming tulugan. Si Jojo at pamilya na nagpagamit ng mga teknikal para sa mga aktibidades ng libre.
Ang aming mga guro na nagbigay panahon sa aming tesis Sila Sir Justin, Sir Engels, Dr. Villegas, Dr. De Guzman at Sir Bobie
Ang 4k (Kilusan para sa Katotohanan at Katarungan laban sa Katiwalian) at Anakpawis Punta, Sila Tatay Jimmy at Ate Levy, Tatay Arthur, Tatay Diego, Tatay Tony at Nanay Laleng na aming nakasama sa mga aktibidades sa lugar at sa pangangalap ng datos, pagplano at paglunsad ng mga aktibidades.
Tatay Lito atbp. ng IBM-KMU, Paul Quintos ng EILER, Vince at kuya Ed ng KADAMAY, ang ACS, Catalyst, SAMASA alliance at kolektib ko na nagpahiram ng Laptap.
Ang aming mga Pamilya na umunawa at sumuporta sa aming tesis sila Mama Yolly, Tatay Romy, Tita Chiming, Kuya John
At sa lahat ng naging bahagi nitong tesis, ang mga kalahok at sa lahat na hindi naisulat… Taos puso namin kayong pinasasalamatan.
__________________________________________________
Talaan ng Nilalaman
__________________________________________________

Dahon ng Pagpapatunay
Dedikasyon
Pasasalamat

KABANATA I: Ang Suliranin at Kaligirang Kasaysayan---------
Panimula----------------------------------------------------------
Kaligirang Kasaysayan-------------------------------------------
Paglalahad ng Suliranin------------------------------------------
Kahalagahan ng Pag-aaral --------------------------------------
Saklaw at Limitasyon--------------------------------------------
Teoretikal na Balangkas-----------------------------------------
Konseptwal na Balangkas---------------------------------------
Talasalitaan -----------------------------------------------------

Kabanata II: Kaugnay na Litaratura at Pag-aaral--------------
Lokal na Literatura-----------------------------------------------
Lokal na Pag-aaral
Banyagang Literatura--------------------------------------------
Banyagang Pag-aaral

Kabanata III: Metodolohiya
Pamamaraang Ginamit
Instrumentong Ginamit
Pamamaraan ng Pagpili ng Respondente

Kabanata IV: Presentasyon ng mga Datos
ang pagkakakilanlan sa mga kalahok
Ang sirkumstansyang nagaganap sa lugar sa panahon na nalalapit ang bantang demolisyonAng mga naging karanasan ng mga nalipat/narelokeyt na nagsipagbalikan muli sa dike side?
Pagsusuri ng mga datos batay sa konseptwal na balangkas

Kabanata V: Buod, Konklusyon at Rekomendasyon
Buod
Konklusyon
Rekomendasyon
        -minimum
        -maximum









____________________________________________________
KABANATA I:
 Ang Suliranin at Kaligirang Kasaysayan

PANIMULA

        Sa maagang yugto ng kasaysayan ng Metro Manila, ang Ilog Pasig ay umaagos sa puso nito, naging sentro at buhay nito. Noong malinis pa ang Ilog Pasig ito ay ay naging prinsipal na pamamaraan ng transportasyon at kabuhayan ng mga mangingisda. Tinayuan din ito ng malalaking warehouses at pabrika, gayundin tinayuan ng magagarang bahay ng mayayaman tulad ng Malacañang sa paligid nito.
       
        Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang paglago ng populasyon, konstruksyon ng mga daanan, pagsimula ng pagdumi ng Ilog Pasig, pagbagsak ng kabuhayan ng mga mamamayang nakikinabang sa ilog at bagong istratehiya ng mga kapitalista at dayuhang namumuhunan, inilipat mula sa ilog ang sentro at inilagay sa iba’t-ibang lugar tulad ng lunsod ng Makati na naging sentro ng mga negosyo.
            Ang mga naging epekto nito sa Ilog Pasig ay:
  1. pagkaabandona ng malalaking bahagi nito
  2. maraming maralita ang lumipat at nanirahan dito
  3. inabandona ang mga pabrika
  4. umalis ang mayayaman
  5. naging kanal na lang ng syudad na dati ay sentro at buhay  nito

            Ang Ilog Pasig ay isa sa mga nanganganib na daanan ng tubig, napapaligiran ng nagsisiksikang maralitang mamamayan sa National Capital Region. Ang Ilog Pasig ang nagdurugtong sa Manila Bay sa kanluran at Laguna Lake naman sa silangan, ang sukat nito ay 26 kilometro kahaba, 50 metro kaluwag at mula 4 na metro hanggang 6 na metro kalalim. Ang Ilog ding ito ang nagdurugtong sa 8 syudad, ito ay ang mga sumusunod: Pasig, Maynila, Pateros, Caloocan, Marikina, Makati, Taguig, Quezon City, San Juan at Mandaluyong.

            Bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naging buhay ng mga syudad na ito ang Ilog Pasig, bukod sa mga pabrika, transportasyon at tirahan ng mayayaman, naging pasyalan, paliguan, at kabuhayan ito ng mamamayan tulad ng pangingisda at paglalaba. Noong 1930-50 nagsimula ng dumumi ang tubig at naging mailap ang pagtungo ng mga isda mula Laguna Lake (tubig tabang) patungo sa Manila Bay (tubig alat), 1950-60 wala ng naliligo sa Ilog, 1960-70 hindi na ginagamit panlaba ang tubig at humina na ang paglalakbay ng mga “Ferry Boat”. 1970-80 naging masama na ang amoy ng Ilog at ang pangingisda ay hindi na posible, 1980-90 “Biologically Inactive” na ang ILog Pasig.

Ang pag-aaral ng suliranin ng mga maralitang taga baybaying Ilog Pasig sa Punta, Sta.Ana sa partikular ay sumasalamin sa pangkalahatang suliranin ng mga naninirahan sa kahabaan nito. Sila ay maralitang informal settlers na nagtayo ng mga barong-barong o sa popular na salita ay mga “Squatters” sa gilid ng Ilog na ngayon ay pilit na pinapaalis ng Gobyerno para sa pagsasakatuparan ng proyekto na Pasig River Development Plan.


KALIGIRANG KASAYSAYAN

        Matagal ng problema ng mga maralita ang kawalan ng sariling lupa at bahay, paulit-ulit lamang ang sistemang ito sa ating lipunan, ilang Rehimen na ang dumaan at ilang batas at plano na din ang nagawa na pabor sa mga maralita pero hanggang sa kasalukuyan ay lalo pang dumarami ang mga informal settlers, ang masakit pa dito sila ay mga kapwa natin Pilipino na informal settlers sa sarili nating bansa.
        Patuloy ang paglobo ng migrasyon sa mga syudad na nanggagaling sa kanayunan. Ang mga dahilan nito ay wala o nawalan ng sariling lupang sinasaka, lumikas dahil sa gera, lumikas dahil sa kalamidad at para sa kabuhayan . Tumungo sila dito sa Kamaynilaan na umaasa na magkaroon ng oportunidad at mapagkakakitaan, umaasa na gaganda ang buhay nila dito.
        Tiyak na may nakilala, narinig, nakita, nabasa o napanood na ganito ang sitwasyon o kalagayan na nag-akala at umasa na sa paglipat sa Maynila ay magiging maganda ang buhay. Maaring may iilan na nagtagumpay ngunit ang karaniwan ay nabigo, nalugmok sa kahirapan at napasama.
        Sila ngayon ang mga nagtirik ng kanilang mga barong-barong sa lupain na pagmamay-ari ng Gobyerno, isang partikular sa Punta, Sta.Ana na lugar ng pag-aaral na ito. Pinipilit na bawiin ng Gobyerno ang lupa at idemolis ang mga kabahayan para sa proyektong “pangkaunlaran” na pagunahing nakaasa ang pondo sa pangungutang sa ibang bansa. Hindi masama ang mga proyektong pangkaunlaran at sa katunayan maganda ito ngunit ang laging tanong ay “kaunlaran para kanino?”.
        Ang pangkaunlarang proyekto tulad ng Pasig River Development Plan ay hindi maunawaan ng mga apektado ng demolisyon, patuloy silang dumaranas ng matinding kahirapan sasabayan pa ng demolisyon ng kanilang mga tirahan na deka-dekada na nilang naging silungan, kaya ang tanong pa din nila ay “nasaan ang kaunlaran kung papaalisin sila at ililipat sa mga liblib na lugar ng Rodriguez  (dating Montalban), Rizal na walang kabuhayan at puro bayadan dahil ang relokasyon ay babayadan sa loob ng 30 taon?” [1]
        Ang rehabilitasyon ng Ilog Pasig ay nagsimula noong 1991 sa tulong ng Danish Aid Agency (DANIDA) ayon sa balangkas ng Medium Term Philippine Development Plan (MTPDP), Noong panahon ng Rehimeng Ramos 5,000 pamilya ang pinaalis at inilipat sa Dasmarinas, Cavite sa kadahilanang sila daw ang pangunahing dumudumi sa Ilog Pasig,at dahil sa kawalan ng kabuhayan sa lugar, ayon sa Habitat International Coalition 30-40% ang nagbalikan noong panahong din iyon.
        Noong Rehimen ni Estrada naging 10 metro na ang saklaw ng demolisyon mula sa dating 3 metro batay sa National Water Code dahil sa ilang resolusyon na ginawa ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of Environment and National Resources (DENR), hanggang sa kasalukuyan patuloy pa din na pinagdedebatehan ang legalidad nito at kinikwestyon ang kapangyarihan ng mga ahensyang ito na wala namang lehistatibong kapangyarihan na baguhin ang pambansang batas. Muli mahigit 5,000 pamilya ang dinemolis at rinelokeyt sa Kasiglahan Village sa Rodriguez, Rizal o mas kilala sa tawag na “Erap City” ngunit tulad ng nangyari sa una, nagsipagbalikan ang mga pamilya sa Dike Side. Taong 1998 binuo ang Pasig River Rehabilitation Commision (PRRC) sa pamamagitan ng Executive Order no.54 na siyang mangangasiwa sa implementasyon ng proyekto ng PRDP. Binubuo ito ng mga ahensya ng gobyerno na pinangungunahan ng kalihim ng Department of Budget and Management na si Rolando G. Andaya, Jr bilang Presidente at kalihim ng MMDA na si Bayani Fernando bilang Ikalawang presidente. Ang iba pang ahensya na bumubuo dito ay ang DSWD, DOST, DENR, DFA, DILG, DOT, DTI, DepEd atbp.
                Panahon pa ng Rehimen ni Ramos ay buo na ang konsepto ng Pasig River Development Plan (PRDP), Batay ito sa balangkas ng Globalisasyon at Medium Term Philippine Development Plan o mas kilala sa Philippine 2000. Mayroon itong 15 taon programa na nagsimula noong 1999 hanggang 2014, ito ay may 1 biyong dolyares na pondo na inutang ng gobyerno sa Asian Development Bank (ADB).
        Noong Agosto 2000 ang ADB at Gobyerno ay gumawa ng kasunduan na magbigay ng pantay na prayoridad ang kalikasan at sa mga taong naninirahan sa baybaying Ilog Pasig. September 2000 lumaban ang mga residente ng Pineda, Pasig sa demolisyon sa kanilang lugar, Dahil doon ay napatay ang isa sa mga demolition team ng isang residente na nakikiusap na huwag muna gibain ang kanilang bahay dahil may sakit ang kanyang ina, at dahil doon pinagsabihan ng ADB ang gobyerno na itigil lahat ng demolisyon at makipagkasundo sa mga tao sa mas makataong pamamaraan.








Paglalahad ng Suliranin
         
        Ang pagaaral na ito ay susubok na malalimang unawain ang nararanasang suliranin parikular sa nakaambang demolisyon at sa usapin sa pabahay ng mga mamamayan na ninirahan sa baybaying ilog Pasig ng Punta Sta. Ana Maynila sa epekto sa kanila ng rehabilitasyon ng Ilog Pasig bilang proyektong pangkaunlaran ng gobyerno.
        Sa kabila ng mga proyektong pabahay para sa mahihirap upang masolusyunan ng pamahalaan ang dumarami ng bilang ng mga informal settlers sa kahabaan ng baybaying ilog Pasig at iba pang lugar sa Kamaynilaan ay napakalaking bilang pa rin ng mga ito ay bumabalik katulad ng pangyayari sa itaas.
                Upang malaman ito, ang pagaaral na ito ay naghahanap ng kasagutan sa mga sumusunod na problema:

1.      Ano ang pagkakakilanlan sa mga kalahok?
  1. Ano ang sosyo-ekonomiko pagkakakilanlan ng mga kalahok?
b.   Ano ang kalagayan ng pag-aari ng lupa na kinatitirikan ng istruktura ng mga kalahok?
c.   Ano kasaysayan ng pakikibaka ng mga kalahok sa suliranin sa pabahay?

2.      Ano ang mga sirkumstansyang nagaganap sa lugar sa panahon na nalalapit ang bantang demolisyon?
a.   Ano ang kasalukuyang sitwasyon ng suliranin sa pabahay?
b.   Ano ang maaring gawing pamamaraan upang masolusyunan at maihanda ang mga kalahok sa paglaban para sa karapatan sa katiyakan sa paninirahan at kabuhayan?
c.   Ano ang kakalabasan ng pamamaraan isasagawa?

3.      Ano ang naging karanasan ng mga nalipat/narelokeyt na nagsipagbalikan muli sa dike side?
a.   Ano ang kalagayan at suliranin sa relokasyon ng mga kalahok?
b.   Ano ang kasaysayan at ebolusyon ng suliranin sa pabahay ng mga kalahok?
c.   ano ang dahilan ng paglipat/pagbalik sa dike?

Kahalagahan ng Pag-aaral
         
May pag-aaral ng ginawa ang Habitat Intenational Coalition tungkol sa Pasig River Development Plan at case study nito sa Pineda, Pasig at ang Dike Side Organization of Punta (DSOP) ay may nagawa na proposal sa kanilang People’s Plan bilang alternatibong relokasyon para sa mga apektado ng 10m easement sa baybaying Ilog Pasig ng Punta, Sta.Ana.
        Ang pag-aaral na ito ay naiiba dahil ito ay malalimang uugatin ang problema sa usapin sa pabahay ang pinagmulan at ebolusyon ng paulit-ulit na problema sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga pundamental na problema nito at mabigyan ng praktikal na solusyon.  Ang pag-aaral na ito ay makakdagdag sa mayaman kaalaman ng mga PO’s at NGO’s at lalo na sa mamamayan na apektado at sa kanilang organisasyon gayundin sa may mga kahalintulad na suliranin.
                Gayundin hinahangad ng pag-aaral na ito na pagkaisahin ang mamamayan upang maipaglaban ang kanilang mga batayang karapatan at mahikayat kung posible ang gobyerno at mga ahensya nito na maging sinsero sa pagtulong sa mga maralita imbes na pagkakitaan sa mga negosyong pabahay, mabago ang burukratikong korupsyon sa mga proyektong na tulad nito, at pagpapalakas sa mga organisasyong masa na maipaglaban ang kanilang mga lehitimong mga karapatan na gingarantiya ng saligang batas ng Pilipinas at ng pandaigdigang deklarasyon ng karapatang pantao.

Sakop at Limitasyon
       
        Ang pag-aaral na ito ay isinasalarawan ang kalagayan ng mga mamamayang apektado ng nakaambang demolisyon sa Punta, Sta.Ana Maynila dahil sa suliranin sa usapin sa pabahay.
                Dahil sa lawak ng lugar na apektado tanging sa tatlo na may pinakamalalaking populasyon lamang ang saklaw na lugar na pinagkuhanan ng mga respondente, ito ay ang lugar na Vulcan, Public at Sto.Nino habang ang ibang lugar gaya ng blue water at kalahi area ay hindi na kinayang maabot dahil sa layo at relatibong maliit na papulasyon ang nandito ikumpara sa mga laki ng papulasyon ng mga naunang nabanggit na lugar.
                Ang mga mananaliksik ay tumulong sa mga kalahok at nag-organisa noong abril hanggang mayo 2008 para sa subject na community organizing kaya ipinagpatuloy lamang naming ang pag-aaral at pagbisita sa lugar upang makakalap ng mga dagdag pang ebedensya sa mga datos na nakuha na at mga datos na kinakailangan pang alamin.



Teoretikal na Balangkas
         
Sa pag-aaral na ito gumamit ng conflict theory bilang teoretikal na gabay kung paano titingnan ang suliranin sa usapin sa pabahay.
                Ang teorya at pilosopiya ni Karl Heinrich Marx (May 5,1818- Marso 14 1883) at ni Friedrich Engels (Nob. 28, 1820- Agusto 5, 1895) na parehong aleman propesor, political theorist, sociologist, political economist, rebolusyonaryo at magkatambal na sumulat ng “Communist Manifesto” ang ginamit bilang balangkas teoretikal dahil naniniwala ang mga mananaliksik na sa lahat ng teoryang panlipunang nagawa ang kay Karl Marx at Engels ang pinaka praktikal dahil sa pagiging balido (valid) ng mga ito at patuloy na pinapraktika at nangyayari sa daigdig at lipunan.
            Sa akda ni Engels na may pamagat na “On Housing Question” (1872) ipinaliwanag niya kung paano lulutasin ang suliranin sa pabahay, ano ang papel ng estado at ano ang dahilan nito.
            Ito ang mahahalagang punto ni Engels:
1.   Dahil sa sistemang sahurang alipin, ang mga manggagawa ay walang kapasidad na makabili ng pabahay dahil ang sahod ay kulang pa sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan kaya kadalasan ay nangungupahan na lamang.
2.   Ang pagpawi sa antagonismo sa pagitan ng kanayunan at Lunsod
3.   Na ang kakulangan sa pabahay at kawalan ng sariling tirahan ay hindi aksidente kundi ito ay isang produkto ng kasalukuyang panlipunang sistemang umiiral.
4.   Na mareremedyuhan agad ang anumang tunay na kakulangan sa pabahay bastat mahusay itong gagamitin
5.   Na ang suliranin sa pabahay ay malulutas lamang kapag nabago na ang lipunan at tumungo sa sosyalismo kung saan lilikha at ipapamahagi ito sa mamamayan lalo na sa walang bahay.[2]

        Sa Critique on Political Economy ni Karl Marx na sa ilalim ng kapitalistang moda ng produksyon (bilang pangkasalukuyang sistemang pandaigdig kung saan mas mabilis magbago ang pwersa sa produksyon (lupa, hilaw na materyales, makina/teknolohiya, pabrika atbp. na kinakailangan sa produksyon) kaysa sa Relasyon sa produksyon (panlipunang relasyon ng mga tao upang makamit at magamit ang pwersa sa produksyon)
            Halimbawa nakaimbento ng bagong teknolohiya tulad ng internet, sa paglaon pa lamang lilikha ng batas upang ito ay malagyan ng regulasyon. Sa ganitong kalagayan ani ni Marx « na kung saan ang ekonomiya (sub-istruktura) bilang pundasyon ng lipunan (super-istruktura) ay lamang na lamang, kaya ito ang pinagmulan ng tunggalian sa uri.
        Isa pang halimbawa nito ay kung dati may sampung manggagawa ang kailangan bumuhat sa mabibigat na bagay, sa pag-unlad ng teknolohiya ay makina na ang bumuhat dito; pinapalitan na ng mga makina ang mga manggagawa na humahantong sa tanggalan sa trabaho.
        Sila ngayon ang mga maralitang nagsisisikan sa mga bakanteng lugar mapapribado man o publikoupang may masilungan.
        Sa paggamit ng teoretikal na pundasyon na ito, iginigiit ng mga mananaliksik na ang dahilan ng demolisyong magaganap sa baybaying Ilog Pasig ay dahil sa Mala kolonyal at Mala pyudal na sistemang panlipunan ng Pilipinas at pangdaigdigang krisis ng kapitalismo, ang imperyalismo, na kung saan walang kakayahan na makabili ng bahay ang lumalaking bilang ng mamamayan dahil sa kawalan ng trabaho, mababang pasahod sa mga manggagawa na ang kita ay sapat lamang sa gastusin sa pagkain upang mabuhay.
                Gayundin ang kawalan ng sariling lupang sinasaka ng mga magsasaka ang nagtutulak sa kanila na makipagsapalaran sa Maynila na nagdadahilan ng pagdami ng bilang ng mamamayang nagtitirik ng kabahayan sa mga pribado at pag-aari ng gobyernong lupain.
                Sa paggamit ng pundasyon na ito maipapaliwanag ng mga mananaliksik ng malinaw at sayantipiko ang mga dahilan at kalutasan ng suliranin ng mga mamamayan sa baybaying Ilog Pasig at sa mga kahalintulad na suliranin.
                Sa pamamagitan ng konkretong pagsusuri sa konkretong kalagayan ng mga lipunan bilang buod ng marxismo, naiuugnay ang teorya sa praktika sa aming naging pamamaraan sa kaugnay na suliranin ng Punta, Sta.Ana at sa pag-aanalisa nito mula sa marxistang pananaw.









__________________________________________________
KABANATA II:
Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Lokal na Literatura at Pag-aaral
         Lokal na Literatura
                Marami pa rin sa ating mga kababayan ang walang bahay o nakatira sa hindi disenteng tirahan. Sila ang mga tinatawag na maralitang taga lunsod. Ayon sa Commission on Urban poor and population may 3.5 milyong maralitang taga-lunsod sa maynila pa lamang, sa kabuuan may 15 milyongmaralitang tagalunsod sa buong bansa.
                Ayon sa ating batas, ang Republic Act No.7279 o ang Urban Poor Development and Housing Act ay nakasaad ang ilang rekisito sa pamahalaan para matugunan ang pangangailangan ng maralita sa pabahay.
                Reporma sa Lupang Urban at sa Pabahay, SEKSYON 9. Dapat magsagawa ang Estado, sa pamamagitan ng batas at para sa kabutihan ng lahat, sa pakikipagtulungan sa pribadong sektor, ng patuluyang programa sa reporma sa lupang urban at sa pabahay na magbibigay ng makakayanang disenteng pabahay at mga pangunahing paglilingkod sa mga mamamayang dukha at walang tahanan sa mga sentrong urban at mga panahanang pook. Dapat ding itaguyod nito ang sapat na mga pagkakataon sa hanapbuhay sa mga mamamayang iyon. Dapat igalang ng Estado ang mga karapatan ng mga may-ari ng maliliit na ari-arian sa implementasyon ng programang iyon. SEKSYON 10. Hindi dapat paalisin ni gibain ang kanilang mga tirahan ng nagsisipanirahan na mga dukhang urban or rural maliban kung naaayon sa batas at sa paraang makatarungan at makatao. (Sipi ng sa Urban Development and Housing Act of 1992 o RA 7279 na isinalin ng mananaliksik sa tagalog).
                Ayon sa batas na na nabangit nakasaad dito ang ilang rekisito ng pamahalaan para tugunan ang pangangailangan ng maralita sa pabahay. Ngunit sa kabila ng lahat na ang batas na ito ang dapat sana ay magiging armas ng mga maralita upang magkaroon ng disenteng paninirahan ay hindi ito nangyayari. Lalo pang naghihirap ang mahihirap na makamit ang inasam na disenteng tahan.
                Patuloy na pagtaas ng halaga ng lupa at kagamitang kailangan sa pagtatayo ng bahay sa kabila ng mga pagtaas na ito hindi pa din tumataas ang sahod ng mga manggagawa na nanatiling nakatali sa P382 ang sahod ng mga taga-NCR kasama na dito ang sinasabing pagtaas ng sahod ng gobyerno mula Hulyo-Agosto (instalment basis) kabalintinuan na ang halagang kailangan ng isang pamilya sa isang araw upang mamuhay ng disente ay P871 na may anim na miyembro. Malinaw ito na hindi sumasapat ang sinasahod ng isang karaniwang manggagawa upang mamuhay ng disente at magkaroon ng disenteng pabahay. (pinagmulan: “Bakit P125 ang bukambibig nila?” Noel Sales Barcelona, www.bulatlat.com)
                Lalo pang nagpapalala sa kalagayan ng mga maralitang taga lunsod ang kawalan ng seryosong programa sa pabahay at naktuon ang gobyerno sa proyektong nakabalangkas sa kaunlaran para sa mga dayuhang korporasyon at malalaking mga negosyante ng bansa at hindi nakalaan para sa mga maralita. Ang proyektong ito ay ang Medium Term Philippine Development Plan 2004-2010 ng gobyernong Arroyo. (pinagmulan: “kaunlaran para sa iilan” Sonny Africa Pinoy Weekly Nob.28-Dis.4, 2007)

Table 1. Pangangailangan sa Pabahay, 2005-2010
Kategorya
Kabuuan
Kakulangan sa Pabahay
Double-Up Housing
Replacement/Informal Settlers
Walang tirahan
Substandard (Upgrading)
New Households
Kabuuan
984,466
387,315
588,853
8,298
186,334
2,585,272
3,756,072
Pinagmulan: MTPDP 2004-2010

                Sa national budget para sa 2001-2006 ay 0.3 na poryento lamang ang nakalaan para sa pabahay at pagsasaayos ng komunidad at nakabase ang programang ito o nakadepende sa dayuhang pautang at investment sa mga dayuhang korporasyon at hindi sa pangangailangan ng mahihirap. (Tingnan ang table 1 na kinuha sa MTPDP 2004-2010)
                Ang programa ng gobyerno sa pabahay ay hindi sapat at hindi nagsisilbi sa mahihirap. Ang MTPDP sa pabahay ay malinaw na nagpapatingkad ng papel ng pribadong sektor sa probisyon sa pabahay. Ang domonasyon ng pribadong sektor Gaya ng mga real estate corporations na nakabase sa MTPDP nakasulat dito na ang mga prayoridad na programa lamang ay yung mga proyektong makapagbabalik kaagad ng tubo habang ang mga maralitang tagalunsod ang siya nilang pinagbabayad sa kanilang mga basic na pangangailangan.

                Isang halimbawa dito ay ang Community Mortrage Program (CMP). Kilangan magbayad ang mahihirap sa mataas na amortisasyon dahil ang lupang kanilang inakupa ay mula sa pribadong nagmamayari. Ang Kalipunan ng Damayang Mahihirap or KADAMAY ay iginigiit na merong ilang foreclosure cases dahil ang lupang mismo ang nagsisilbing kolateral para sa pautang habang ang mahihirap ay walang kakayanang bayaran ang mga ito dahil kakaunti lamang ang kanilang pagkakakitaan sa ganitong kalagayan ito ang serbisyong pautang na ito ay imposible at napakahirap. (Ibon Facts and Figures “The Urban Poor” Vol. 29, No. 17 Sept. 15, 2006)

        Dapat magsagawa ang Estado, sa pamamagitan ng batas at para sa kabutihan ng lahat, sa pakikipagtulungan sa pribadong sektor, ng patuluyang programa sa reporma sa lupang urban at sa pabahay na magbibigay ng makakayanang disenteng pabahay at mga pangunahing paglilingkod sa mga mamamayang dukha at walang tahanan sa mga sentrong urban at mga panahanang pook. Dapat ding itaguyod nito ang sapat na mga pagkakataon sa hanapbuhay sa mga mamamayang iyon. Dapat igalang ng Estado ang mga karapatan ng mga may-ari ng maliliit na ari-arian sa implementasyon ng programang iyon. (UDHA, Reporma sa Lupang Urban at sa Pabahay sekyon 9)

        Hindi dapat paalisin ni gibain ang kanilang mga tirahan ng nagsisipanirahan na mga dukhang urban or rural maliban kung naaayon sa batas at sa paraang makatarungan at makatao. (sekyon 10)
        Hindi dapat ilipat ng tirahan ang nagsisipanirahan na mga dukhang urban o rural nang walang sapat na pakikipagsanggunian sa kanila at sa mga pamayanang paglilipatan sa kanila.



Banyagang Literatura at Pag-aaral

        Ang suliranin sa pabahay ay itinuturing na pangkalahatan, mula noon hanggang ngayon, wala pang bansang nakatugon ng husto sa pangangailangang ito.
        Ang Global Housing Strategy (1998) ay pinakahulugan ang sapat na pabahay bilang: isang lugar na maaaring puntahan kung nais mapag-isa, na may sapat na espasyo (lawak), ganap na ligtas, may sapat na ilaw at daanan ng hangin, matibay at nasa tamang layo mula sa trabaho at pangunahing pangangailangan, at nasa tamang halaga.
        Ayon sa Artikulo 2, talata 1 ng kasunduan para sa Karapatang Pang-ekonomiya, Panlipunan at Pangkultura, ukol sa pabahay; lahat ng Pamahalaan ay inaasahang: a) gawin lahat ng nararapat na pamamaraan upang matupad ang karapatan sa pabahay; b) ilaan ang lahat ng halaga ng maaaring mapagkukunan; c) matupad ang mga karapatang ito sa paraang papaunlad.
        Ang nasabing kasulatan ay naisulat para sa mga samahang panlipunan, mga kilusang pampamayanan, mga samahang di saklaw ng pamahalaan, mga mamamayan, at sa lahat ng interesado sa Karapatan sa Pabahay. (Basurto, Ana Elizabeth, HIC, Mexico. Analysis, 1996)
        Ang sapat na pabahay ay nagsisilbing daan para sa ikabubuti at ikakaunlad ng tao, pinapag-ugnay nito ang mga elemento ng kapaligiran, ang napanatili at ang napapanatiling pag-unlad. Ito rin ang nagsisilbing pangunahing yunit sa pamayanan at ang sinyales ng pagkakaroon ng dalawang aspeto ng buhay (pampulitika at pribado) ng mga tao sa lungsod o sa kabayanan. Ito rin ang sumasalamin sa distribusyon ng espasyo, pag-usad ng yaman at iba pang mga aspetong panlipunan at pang-kaayusan ukol sa ugnayan ng pamahalaan at lipunan.
Sa kasawiang palad, sa kabila ng kahalagahan nito ay may malaki pa ring kakulangan sa pabahay sa buong mundo. Ayon sa United Nations higit sa isang bilyong tao ay nabubuhay sa kalunus-lunos na kundisyon ng pabahay kasama na nito ang mga walang tirahan.(Habitat Interanational Coalition)

        Ayon sa Artikulo 2, Talata I ng kasunduan para sa karapatang pang ekonomiko, panlipunan at kultural, na may kaugnayan sa pabahay, ang mga pamahalaan ay obligadong a) gawin lahat ng paraan upang maging epektibo ang karapatan sa pabahay; b) ilaan dito ang pinakamalaking dami ng pagkukunan; c) matamo ang mga karapatang ito sa papaunlad na paraan.

Ang tatlong elementong ito ay pagpapatunay sa isang layunin na dapat ibagay ayon sa mga pangangailangan at ang mga naabot na layunin sa pamamagitan ng palagian, walang puknat at papaunlad na pagpupunyagi.

Gayunpaman, may ilang naglalayon na pigilang maging obligasyon ng mga pamahalaan ang karapatang ito. Ito ang nangangahulugan ng isa pang malaking balakid  sa pagtatanggol sa karapatang pantao.

Mahalaga na ang karapatan sa pabahay ay mapagtibay bilang isang pangunahing karapatang pantao, dahil sa hindi maitanggi na epekto ng pabahay sa kalidad ng buhay, tulad na lang ng benepisyong dulot nito sa pag-iipon ng pangangailangang pampinansiyal ng pamilya, pinabuting pang-kalusugan at pang-kaligtasang kundisyon, lugar para sa kabuhayang pampamilya, atbp.

                Kung ang karapatan sa pabahay ay tuluyang maigagalang, ito ay dapat suportahan. Ang tungkulin at obligasyon ay dapat maging detalyado, at dapat isama ang legal at makabatas na suporta kung saan ang mga tao at komunidad ay may karapatan para sa kanilang pagkakatanggol, sa antas ng lokal na gobyerno, at sa mga Pang-internasyunal na korte.(Ibid)
        Ayon sa SEKSYON 4: KARAPATAN NG LAHAT NG TAO tungkol sa Integridad sa Pabahay,.lahat ng tao ay may karapatan sa sapat na pabahay kung saan napapaloob ang inter alia, ang malayang paggamit at pangangalaga sa mga yaman at ari-arian. Ang tahanan at lahat ng naninirahan dito ay mapangangalagaan mula sa lahat ng uri ng karahasan, mga banta ng karahasan at iba pang uri ng pang-aapi(pang-aabuso) lalo na sa mga kabataan at kababaihan. Ang tahanan at mga naninirahan dito ay lalo rin dapat mapangalagaanmula sa mga di-makatarungang panghihimasok sa pribadong buhay o sa mismong tahanan.
                Tungkol naman sa Mga Kasiguruhan sa Tiyak na Paglag, sinasabing lahat ng tao ay may karapatan sa katiyakan ng kanyang paglagi na nagbibigay sa kanya ng legal na proteksyon mula sa sapilitang pagpapaalis mula sa kanyang tahanan o lupa.
                Ang SEKSYON 5 naman ay  ukol sa  LEGAL NA LUNAS ay nagsasaad na: ang lahat ng taong binantaan ng sapilitang pagpapaalis, na walang sapat na kadahilanan o walang legal na basehan ay may karapatan sa:
a) isang patas na paglilitis sa harap ng isang may kakayahan, walang kinikilingan at nakapagsasariling hukuman
b) isang tagapayong legal, at kung kinakailangan, sapat na tulong legal.
c) epektibong lunas
        Ang mga estado ay dapat gumawa ng mga hakbang panglehislatura na nagbabawal sa sapilitang pagpapaalis na walang utos ng hukuman. Ang hukuman ay dapat isaalang-alang lahat ng kaugnay na epekto sa mga tao, samahan at pamayanan at anumang hatol ay nababatay sa diwa ng pagkakapantay-pantay at katarungan at pandaigdigang kinikilalang karapatang pantao.
        Lahat ng tao ay may karapatang i-apela ang kahit anong panghukuman at iba pang desisyon na nakakaapekto sa kanyang mga karapatan alinsunod sa kasalukuyang mga Alituntunin, sa pinakamataas na pambansang hukuman.
        Sinumang tao na sapilitang pinaalis na hindi ayon sa kasalukuyang Alituntunin ay may karapatang maningil ng danyos sa kahit anong kawalan sa lupa, personal na pagmamay-ari kasama na ang mga karapatan at mga interes sa pagmamay-ari na hindi kinikilala ng pambansang batas patungkol sa sapilitang pagpapaalis.
        Lahat ng tao, samahan at pamayanan na sapilitang pinaalis ay may karapatan, ngunit di maaaring piliting bumalik sa kanilang mga tahanan, lupa at pinanggalingan.
 Lahat ng tao, samahan at pamayanan ay may karapatan na magkaroon ng mainam na lilipatan kasama na rito ang alternatibong lupa o bahay na ligtas, madaling puntahan, abot-kaya, at maaaring tirhan. (Ang Sapilitang Pagpapaalis: Komprehensibong mga Alituntunin ng mga Karapatang PantaoUkol sa Pagpapaalis para Magbigay-daan sa Pag-unlad, hinango ng Pang-ekspertong(Pang-dalubhasang) Seminar ukol sa Pagsasagawa ng Sapilitang Pagpapaalis Geneva, Hunyo 11-13, 1997.)


Banyagang Pag-aaral  
        Sa pagitan ng ika-11 at ika-15 ng Marso 2001, isang pangkat sa ilalim ng pamamahala ng Habitat International Coalitions Housing and Land Rights Network at nagsagawa ng pagkalap ng impormasyon sa labindalawang (12) lugar ng pinag lipatan sa buong Delhi, ang National Capital Territory (NCT) ng India. Ang layunin ng misyon ay husgahan ang kakayahan ng Estado ng Delhi sa pagbibigay ng sapat na pabahay sa kanilang mga mamamayan sa ilalim ng International Covenant on Economic Social and Cultural Rights (ICESCR), mga mga gawain sa ilalim ng Indian Constitution, ang National Slum Policy at ang mga pamantayang pang munisipalidad. Ang pagsusuring ito ay nakatuon sa sapilitang pagpapa-alis at pagpapalipat na isinagawa ng mga awtoridad sa Delhi mula pa noong 1976.

        Matapos ang 12 pagbisita, pagsangguni sa mga local na NGO, eksperto sa batas at mga opisyales sa Delhi at mga panayam sa napakaraming di mabilang na nainirahan sa mga lugar ng pinaglipatan, ang pangkat sa kumakalat ng katotohanan, ayon dito ay nagdisisyong sabihin na ang nangyayaring pagpapa-alis at paglilipat sa mga mahihirap sa mamamayan ng Delhi ay nagdudulot sa malawakang paglabag sa mga karapatang pantao: Inter Alia, karapatan sa kabuhayan, edukasyon, ang pinakamataas na antas ng kalusugan, pagkain, malinis na tubig at kalinisan, at ang karapatan sa sapat na pabahay. Ang pangkat ay nagsabi rin na ang mga kababaihan, kabataan, ang mga may kapansanan at nakatatanda ay nagdurusa bilang epekto ng mga pagpapa-alis na kasunod ng paglilipat at ang epekto ay ang paglabag sa kanilang karapatan sa pagkakapantay-pantay na nakakaapekto ng negatibo sa iba pang mga karapatan.( Restructuring New Delhi's Urban Habitat, Building an Apartheid City. A Report on the Resettlement process of Delhi, India executive summary)


TALASALITAAN

Group Research-         binubuo ito ng grupo ng mananaliksik at mga                                  kalahok upang lutasin ang suliraning panlipunan                               mula sa pagplaplano hanggang sa lebel ng                                  pagpapatupad .(San Juan : p216)

Baybayin-          pampang, isang anyong lupa.

Warehouse-        bodega.

Sosyalismo-        isang sistemang panlipunan kung saan ang                                      pagmamayari at kontrol sa mga sangkap sa                                    produksyon ay nasa pamahalaan       
                                
Antagonismo-     Paglaban o pagsalungat sa isang bagay o ideya.

Biologicaly
Inactive-             Parang patay o tila patay,  Halimbawa nito ay ang                          Ilog -Pasig

Burukratikong
Korapsyon-          Paggamit sa posisyon sa gobyerno upang magkamal                        ng limpak-limpak na salapi.

Expropriation-      Pagkumpiska sa isang bagay, meron o walang                                 pahintulot ng kinuhanan.

Informal Settler-         hindi pormal na nakatira sa isang lugar o walang                                      sariling lupa. Pinagandang pangalan ng iskwater.

Mala kolonyal-    sistemang panlipunan na hindi direktang sakop ng                                    isang bansa

Mala pyudal-       sistemang panlipunan na atrasado at nakabase sa                            lupa.

Perpetual Rent-   Walang katapusang pag-upa/pagrenta.

Security Tenure-         kasunduan para sa Kasiguraduhan sa paglagi.

MGA AKRONIM NA GINAMIT

ADB-                 Asian Development Bank
DANIDA-    Danish Aid Agency
DENR-       Department of Environment and National Resources
DSOP-       Dike Side Organization of Punta
MMDA-      Metro Manila Development Authority
MKMP-       Mala Kolonyal,Mala Pyudal
MTPDP-      Medium Term Philippines Development Plan
PRRC-        Pasig River Rehabilitation Commission
PRDP-        Pasig River Development Plan
RAP-          Ressetlement Action Plan
SMBPIP-    Samahan ng mga Magkakapitbahay sa Baybaying Ilog                      Pasig
EPA-          Environmental Protection Area
UDHA-       Urban Development and Housing Act
UDSP-       United Settlers of Dike Side of Punta
4K-           Kilusan para sa Katotohanan at Katarungan laban sa                                 Katiwalian
SO 420/CO- Community Organizing















KABANATA III
Metodolohiya
       
                Sa kabanatang ito tatalakayin ang mga pamamaraan na ginamit sa pagkuha ng mga datos, mga instrumentong ginamit, at pamamaraan sa pagpili g mga kalahok.

Pamamaraang ginamit
        “…a participatory, democratic process concerned with developing practical knowing in the pursuit of worthwhile human purposes, grounded in a participatory worldview which we believe is emerging at this historical moment.
                It seeks to bring together action and reflection, theory and practice, in participation with others, in the pursuit of practical solutions to issues of pressing concern to people, and more generally the flourishing of individual persons and their communities.”
                                        (Reason and Bradbury, 2001, 1)
       
        Para sa partikular na pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay gumamit ng kalitatibong pananaliksik.
        Kalitatibo dahil gumamit ang mananaliksik ng pamamaraan na paricipatory action research. Upang magkaroon ng panloob na pagtingin, sa ganitong pamamaraan nararanasan at nalalaman ang mga aktwal na nagaganap mismo sa loob ng lugar, aktibidades, pulong, iniisip at saloobin ng mga taong apektado at higit sa lahat nagkakaroon ng malapit na ugnayan at pagkakaisa sa mga kalahok.
                Ang PAR ay isang alternatibong pamamaraan ng pananaliksik mula sa conventional at tradisyonal o nakasanayan ng pamamaraan, nangangahulugan ito na "collective, self-reflective enquiry undertaken by participants in social situations in order improve the rationality and justice of their own social...practices" (Kemmis and McTaggart 1988: 5).          
                Sa ganitong pamamaraan at teknik mauunawaan ng mananaliksik ang problema sa pamamagitan ng pakikipamuhay mismo sa lugar ng pag-aaral upang mapahusay mula sa punto de bista ng mga apektado ang magiging analisis ng problema. Kabahagi ang mananaliksik sa mga pagplano  at naglunsad ng mga pulong masa, forums at edukasyon hinggil sa issue at sa pagtatayo ng samahan.
        Ang lugar ng pag-aaral ay unang nasilayan ng mga mananaliksik noong Abril 2008 at napaglunsaran ng Community Organizing (SO 420) noong Mayo at napagkaisahang gawan ng pag-aaral ang lugar upang maisadokumento ang mga naging pag-susuri, analisis at mga aral na makukuha sa lugar.
        Ang mga mananaliksik ay pumakat sa lugar ng pag-aaral 2 beses sa isang linggo na nagsimula noong Agosto hanggang Oktubre 2008, ito ay tuwing martes at biyernes, kung may mga aktibidades ay lumalahok ano mang panahon.


INSTRUMENTONG GINAMIT

        Ang mananaliksik ay gumamit ng ibat ibang instrumento na nakabatay sa pangangailangan upang makakalap ng mga datos. Pagunahing ginamit ang Interbyu (unstructured at semi-structured) ito ay regular dahil sa pakikisalamuha sa mga kalahok ng buong panahon na naroroon sa lugar ang mananaliksik. Ginamit din ang mananaliksik ng journal entry mula sa mga obserbasyon na isinulat noong panahon ng pag-aaral.
        Dahil sa buong panahon ang mga mananaliksik sa lugar napalapit at kinilala ng mga kalahok ang kakayanan ng mga mananaliksik sa pagsusuri at pagbibigay edukasyon hinggil sa isyu kaya ibinigay ng mga kalahok ang mga dokumento na aming ginamit bilang primary at second hand data  
        Gumamit din ang mananaliksik ng case study ng mga kalahok na lumipat noong taon 2000 sa relokasyon at bumalik muli sa dike side upang maipakita mula dito ang suliranin sa usapin sa pabahay.

PAMAMARAAN SA PAGPILI NG KALAHOK

        Dahil ito ay isang action research, ang kalahok ay ang mga lider at mga kasapi ng SMBIP at ang mga muling bumalik sa Dike na lumipat noong taong 2000 (sampling frame).
        Sila ang mga pangunahing mapapagkuhanan ng malusog na datos dahil sa kanilang katayuan sa lugar at organisasyon, gayundin sla ang higit na nakadarama at nakakaalam ng suliranin (purposive).











__________________________________________________
KABANATA IV:
Pagsusuri at Presentasyon ng mga Datos
__________________________________________________
Pagkilala sa mga kalahok
Ang sosyo ekonomikong pagkakakilanlan
Ang Punta, Sta.Ana ay may 14 na barangay na may populasyong aabot sa 50,000 mula 46,910 noong taon 2000 (Peoples Plan:­2). mula sa 14 na barangay ay may 11 barangay ang sakop ng 10 metro Environmental Protection Area (EPA) na apektado ng demolisyon. Mayroong humigit sa 1,500 na pamilya na apektado ng magaganap na demolisyon (Ibid). Karamihan ng mga kalahok ay mga mala-manggagawa o mga panapanahon lamang na may pinagkakakitaan tulad ng paextra-extra sa kahit anong trabaho tulad ng construction worker, bangkero, pedicab at jeepney driver, manikurista, pagtitinda ng mga gulay, cosmetics, kakanin, pagkain at tindahan. Ang ilan ay may trabahong regular ngunit underwage hanggang minimum lang ang sinasahod habang ang iba ay walang trabaho kaya sila ay umaasa sa makukuha nila sa mga inaanod sa ilog na mga kahoy, plastic, mga ligaw na isda atbp. Kadalasan, dahil sa walang kabuhayan ay napapasok sa mga anti-sosyal na gawain.
Ang kalagayan ng pag-aari ng lupa na kinatitirikan ng istruktura ng mga kalahok
                Ang mga kalahok ay nahahati sa klasipikasyon ng paninirahan sa dike side, ito ay ang mga informal settlers (ngunit para sa kanila ay rights owners sila), lot owners at renters.
Informal Settlers
                Kalakhan ng papulasyon ay nasa kategoryang ito, ang buong Vulcan area at mayorya ng Public area, Blue water area at sto.nino area ay mga informal settlers na halos bumubuo ng 90% ng buong Punta.
Lot Owners
                Ito ang minorya ng populasyon, ito ang mga nabigyan ng award na masapagmay-ari ang lupang kinatitirikan ng kanilang istruktura. Ito ay sa Sto.nino, Kalahi at mangilan-ngilan sa Public at at bluewater area. Gayunpaman sila ay mapapaalis pa din dahil sa inabot ang kanilang lupa sa 10 metro EPA.
Renters
Ito ay ang mga kalahok na walang saraling lupa at bahay, mga nakikiupa sa mga informal settlers at lot owners dahil sa abot kayang halaga nito. Sila ay kasama sa mga kalahok dahil apektado sila ng demolisyon at suliranin sa pabahay

Ang Kasaysayan ng Pakikibaka ng mga Kalahok sa Suliranin sa Pabahay
Taong 1998 binuo ang lokal na organisasyon ang Dike Side Organization of Punta (DSOP) ng mga apektado ng 10m demolisyon sa tulong ng Urban Poor Associates at CO Multiversity, ito ang nagsisilbing kinatawan at negosyador sa isyu ng demolisyon (Peoples Plan of Punta:2)
                   Taong 2007 ay pumayag ang liderato ng DSOP na magparelokeyt sa Kasiglahan Village Rodriguez, Rizal ngunit hindi sumang-ayon ang mga miyembro at ibang mga lider[3],
               
Ang mga Sirkumstansyang Nagaganap sa Lugar sa Panahon na Nalalapit ang Bantang Demolisyon

Ang kasalukuyang sitwasyon ng suliranin sa pabahay
Sinimulan ang pag-aaral noong  Abril 21, 2008 kung saan nanatili ang mananaliksik sa loob ng 5 linggo pakikilahok. Abril 23, 2008 dumating sa mga kalahok ang PAGBATID SA PAGLIKAS para sa mga kwalipikadong pamilya (tingnan ang appendix _) na nakasaad na “nais naming ipabatid na ang lupang kinatitirikan ng inyong istruktura ay nasasakop ng programa ng pamahalaan sa ilalim ng Pasig River Rehabilitation Commision” (ibid).
                Ang naging basehan nito ay batay sa mandato ng PRRC sa ilalim ng Executive Order No.54 (tingnan ang appendix_) na inamyendahan ng E0 no.65 na may kapangyarihan ng pag-alis ng mga istruktura at paglipat/relocate ng mga unauthorized, unlawful occupants o informal settlers sa mga baybaying Ilog Pasig… Na binibigyan ng tatlumpung (30) araw mula sa araw ng pagtanggap ng nito upang kusang loob na lumisan at magbaklas ng inyong istruktura. Makalipas ang itinakdang palugit na panahon ay ipatutupad na ang paglikas ayon sa prosesong itinalaga ng batas Anuman ang maging pinsala ng inyong kabahayan at mga ari-arian ay hindi pananagutan ng aming tanggapan (Ibid).
                Pagkatapos mabasa ng mga kalahok ang Notice of Demolition ay naging aligaga sila at nagkaroon ng mga grupo grupong usapan at lahat sila ay pagtutol ang bukang bibig, ngunit walang isang sentral na plano at pamamaraan (journal entry)

Ang mga  Pamamaraan Upang Masolusyunan at Maihanda ang mga Kalahok sa Paglaban para sa Karapatan sa Katiyakan sa Paninirahan at Kabuhayan
Agad na nangalap kami ng datos hinggil sa proyekto dito namin nakilala si Jojo at pinagamit nya kami ng internet… nakilala namin si tatay Boy na dating lider ng DSOP at ibinigay sa amin ang master plan ng Pasig River Development Plan (ibid), “hindi kami sumasang-ayon sa paglipat dahil noon pa man ay ang gusto namin ay sa Marcelo Compound”.[4]
                Agad na nakipagkoordina kami sa 4k at sa mga lider masa upang makipagtalakayan sa aming nakuhang datos at magbuo ng group research.[5]  Agad na nagplano at nagpatawag ng pulong masa upang magbigay edukasyon sa mga kalahok na apektado ng demollisyon.
                Ang analisis ng kalagayan ng group research ay:
  1. Dapat ilinaw sa mamamayan ang proyekto at para saan ito
  2. Ang DSOP ay hindi na nagtataguyod ng interes ng mga miyembro
  3. Ibalik aral sa kalahok ang kanilang pakikibaka na ON-SITE relocation sa Marcelo Steel Corp. (abandonado)
  4. Kinakailangan magtatag ng isang bagong organisasyon na tunay na maglilingkod sa interes ng mga kasapi
  5. Hindi Pumasa sa Ressetlement Action Plan (RAP) ng mismong proyekto ang mga relokasyon (journal entry)
       
        Ayon sa RAP:
a)   Good Quality Housing with Security of Tenure and opportunity for home ownership
b)   Better Access to Basic Services
c)   Access to skills and Trainings
d)   Improve Public Health (PRDP master plan)
            Agad na nagpatawag ng pulong masa at ibinahagi ng groupo ang mga analisis, sinang-ayunan at nagkaroon ng positibong pagtugon ang mga kalahok. Ang mga napagkaisahan sa pulong masa na ito ay:
1.   Itayo ang komite ng Adhoc[6] ng Samahang Magkakapitbahay sa baybaying Ilog Pasig.
2.   Magbuo ng plano hanggang sa Mayo 22, 2008, ang pagtatapos ng Notice upang makapag handa sa mga posibleng mangyari
3.   lumikha ng posisyon paper ang itatayon samahan (journal entry)

Ang Kinalabasan ng Pamamaraang Isinagawa
                Mayo 2, 2008 pormal na naitatag ang Samahang magkakapitbahay sa baybaying Ilog Pasig ng Punta at naglahad ng pangkalahatang posisyon nito:
                Kami ang samahang magkakapitbahay… ay naninindigan at nilalabanan ang nasabing demolisyon sa batayan na hindi sumunod ang PRRC sa RAP ng mismong proyekto ng PRDP (SMBIP: paglalahad ng Posisyon). Agad na nakipag-ugnayan sa Kalipunan at Damayang Mahihirap (KADAMAY) na isang pambansang organisasyon ng mga maralita, tumutulong sila sa mga usapin at karapatan ng maralita. Sa ugnayan na naganap ay pumaloob ang SMBIP sa ilalim ng payong ng KADAMAY bilang kasaping organisasyon nito ( tingnan sa appendix).
                Nagtungo sa tanggapan ng Mayor at Vicr Mayor ang mga kalahok at nagbigay ng liham na pinirmahan ng mga kasapi ng SMBIP sa lokal na gobyerno ng Maynila na humihiling ng tulong na ipagpaliban muna ang nalalapit na demolisyon hangga’t may nakabinbin pa ding usapin sa mga relokasyon (tingnan sa appendix).
                Nagtungo din sa tanggapan ng DENR kung saan narito ang opisina ng PRRC at nagbigay din ng kopya ng liham at mga reklamo ng mga apektado. Makalipas ang ilang araw ay nagpaabot ng abiso ang PRRC na humihiling na makausap ang mga lider ng SMBIP at 4k. kasama ng PRRC ay ang Local Inter Agency Committee (LIAC), matapos ang dalawang oras ng usapan ay walang napagkasunduan ang dalawang partido. Ito ang ilang mahahalagang punto ng usapan:
  1. para sa SMBIP ay hindi sila aalis sa lugar kung hindi susunod ang PRRC sa kanilang mga kahilingan para sa katiyakan sa paninirahan at kabuhayan tulad ng pag-alis sa perpetual renting sa Cardinal Sin Village at pagsasa-ayos ng relokasyon sa Montalban, Rizal.
  2. Ang SMBIP ay hindi pipigilan ang may gustong lumipat sa Rodriguez, Rizal na ilang tao dahil karapatan nila ito, gayunpaman ipinapaunawa ng organisasyon ang kalagayan at maaring kahinanatnan nila sa lugar.
  3. Na hindi sumunod sa buong pakete ng RAP ang PRRC
  4. Iprayoridad ang mga kwalipikadong pamilya sa listahan ng mga mabibigyan ng relokasyon kung sa kanilang magkaroon ng pwersahang demolisyon dahil sa may mga nagaganap na nepotismo at under the table na usapan.
  5. Para naman sa PRRC iprayoridad nila sa listahan ang mga kwalipikadong pamilya kung sila ay magvolunteer
  6. na sila ay sumusunod sa RAP at UDHA
  7. na kailangan na umalis ang mga kalahok dahil hindi nila pag-aari ang lupa, na sila ay mga informal settlers at ito ay pampubliko at pag-aari ng gobyerno
  8. na habang tumatagal at magiging matigas ang ulo ng mga kalahok ay lumalaki ang interes ng utang ng gobyerno sa ADB.

                Matapos ang naganap na dayalogo sa pagitan ng PRRC at lider ng SMBIP at 4k ay agad na nagpatawag ng pulong masa at ipinaliwanag ang mga napag-usapan, lalong tumibay ang pagkakaisa at kahandaan ng mga miyembro na ipaglaban ang katiyakan sa paninirahan at kabuhayan. Hanggang sumapit ang takdang araw ng pagtatapos ng tatlumpung araw na palugit nakapagplano at nakahanda na ang mga kalahok.
                Walang demolisyon na naganap, sa pagsusuri ng group research ay dahil ito sa ingay na nalikha ng mga sulat at sintemyento ng mga kalahok, pagkakaisa at kahandaan harapin at labanan ang bantang demolisyon.

Ang Mga Naging Karanasan ng mga Nalipat/Narelokeyt na Nagsipagbalikan muli sa Dike Side
Ang pamilya ni Herman De la Cruz, 76 years old, sweeper ng barangay at Rosalia Malinaw Velasquez, 56 years old, Nagtitinda (sari-sari)

Taong 1966 pa sila lumipat sa dike side kasama ang kanilang anim na anak. Lumipat sa Montalban noong taong 2000 noong pinalayas sila sa dike side. Ayon kay nanay Lina maayos naman ang kalagayan nila sa pinaglipatan nila sa Montalban. May sariling tahanan na silang matatawag kahit hindi pa malinaw kung paano magiging sa kanila iyon dahil wala sa kanila ang titulo. Maayos naman daw ang patubig at may sariling kuryente. May paaralan din naman elementarya hanggang kolehiyo ngunit ito ay malayo, gayundin ang hospital. Sa ganitong kalagayan pinili pa rin ng pamilya nila ang bumalik sa dike side at doon magtrabaho. Iniwan na lang nila ang mga batang pumapasok at umuuwi na lang sila lingguhan sa Montalban.

                Nang unang taon nila sa Montalban, hirap sila ng pagkukunan ng kanilang ikabubuhay. Nagtrabaho sila ng taga gupit ng swelas ng tsinelas na nanggagaling sa Marikina. Ngunit hindi sapat ito sa pangaraw-araw nilang gastos. Dahil sa loob ng isang linggo 55 lamang ang kinikita ng buo nilang pamilya sa paggugupit. Hindi pa kagad ito nakukuha, dahil ipopondo pa ito. Kaya mas minabuti nilang bumalik sa dike side at dito magtrabaho. Ang Kinikita nila sa Montalban ay P55.00 isang linggo habang ang Kinikita nila sa Dike Side ay P150.00 hanggang P200.00 sa isang araw sa pagtitinda

Ang pamilya ni Desiree Aguha, 35 taong gulang, housewife (dating serbadora sa kantina) at ang kanyang Asawa si Glen Aguha, 38 taong gulang, helper sa karnehan

                1997-2000 sila nanirahan mag-asawa sa dike side kasama ang anim na anak. At nang bigyan sila ng pagkakataon na magkaroon ng sariling tahanan ay kinuha kagad nila ang oportunidad na ito. Sa unang taon ay nakayanan pa nilang magbayad dahil ito ay nagkakahalaga lamang ng P600.00 sa isang taon. Wala pa rin sa kanila ang titulo. At batay daw sa napagusapan ay madadagdagan ang kanilang babayaran taon taon ng P200.00. ng mga sumunod na taon ay nabibigatn na sila sa pagbabayad sa kalagayan na walang kabuhayan sa Montalban. Kaya bumalik sila sa Dike side at muli doon nanirahan. Ang kanilang limang anak ay nakatira sa mga kamaganak sa bisaya at ipinagbubuntis niya ang pang-anim.
                Wala silang pinagkakakitaan sa Montalban pero noong nasa dikeside pa sila, kumikita sila ng P300.00 sa isang araw, Bukod pa ang extra income pag nakakadiskarte ng ibang pagkakakitan.

Ang pamilya ni Cynthia Mendoza Sikat,40 taong gulang, Housewife at ng kanyang asawa na si Diosdado N. Rosito, 47 taong gulang, Tricycle Driver
                Si Cynthia ay may 40 years ng naninirahan sa dike side at dito nasiya ipinanaganak at nagkapamilya. Sa kasalukuyan ay hiwalay siya sa asawa at may kinakasama ng iba. Hindi siya noon nagkaroon ng pagkakataon na makakuha ng bahay sa Montalban dahil sa palaksan ito. Kaya noong 2000 ng pinalayas sila sa dike side ay nakitira na lang muna siya sa kaibigan at mga kamaganak. At sa huli bumalik siya at ng kinakasama niya sa dike side. Ayon sa kanya nais niya ring kumuha ng bahay sa Montalban kung bibigyan ng pagkakataon, ngunit batay sa kaniyang mga naririnig na kalagayan na walang ikinabubuhay sa Montalban malamang bumalik din siya sa Dike Side at bumalik balik na lang sa Montalban. Ang kinikita nila sa Dike Side P200-300 sa isang araw.

Ang pamilya ni Teresa Aquino, 27 taong gulang, kakapanganak pa lamang (dating serbedora) at ang kanyang asawa Roderick Buban, 26yrs, kargador sa palengke.
                Ang kanilang probinsiyang pinagmulan ay sa Isabela, Nakipagsapalaran dito sa Maynila at dito na nakapag-asawa. May tatlo na silang anak. Hindi sila kumuha ng relokasyon sa Montalban dahil wala ditong kabuhayn at napakalayo. nais din nila magkaroon ng sariling bahay Ngunit ang nais nila ay malapit sa kanilang ikinabubuhay. Ang kinikita nila sa dike side ay P150-250 sa isang araw

Pagsusuri ng mga Datos Batay sa Konseptwal na Balangkas

                   Ang sistemang panlipunan ng Pilipinas ay may malaking salik sa suliranin sa pabahay, ang pagiging mala-kolonyal at mala-pyudal nito na pinaghaharian ng malalaking burgesya kumprador at paniginoong maylupa na sunud-sunuran sa dikta ng mga dayuhang imperyalista ang lalong nagpapatindi sa kahirapan at pang-aapi sa sambayanang pilipino lalo na sa batayang sektor ng magsasaka, manggagawa at maralita.
                Ang imperyalistang pang-ekonomiyang polisiya sa daigdig sa anyo ng globalisasyon, dito nakabalangkas ang mga pangkaunlarang proyekto (Medium Term Philippine Development Plan) gaya ng Pasig River Development Plan na ang tunay na makikinabang ay ang imperyalistang dayuhan at mga tuta nitong naghaharing-uri sa Pilipinas. Nais nitong maging pangunahing daluyan ng transportasyon ang ilog ng mga produkto mula ibang bansa at ibagsak sa mga syudad, munisipalidad hanggang sa mga karatig na lalawigan gayundin upang mapabilis ang transportasyon ng mga murang hilaw na materyales patungo sa ibang bansa. Ito ang nagpapatindi sa pagiging import dependent at export oriented ng mga pilipino.
                Upang maisakatuparan ito, pinapautang ng mga dambuhalang pampinansyang institusyon ng daigdig ang gobyerno ng Pilipinas at hinahayaang gumanansya ang mga tuta nito sa pamamagitan ng mga burukratikong korapsyon habang ang mamamayang Pilipino na siyang magbabayad nito ay sumasahol ang kalagayan.
                Ang suliranin sa pabahay ng mga taga baybaying ilog pasig ng Punta, Sta.Ana ay isang parte lamang ng kabuuang maralitang lunsod na nagnanais na magkaroon ng isang tahanan na matatawag nilang kanila, ngunit ang reyalidad ay ang panlipunang kalagayan na karamihan sa kanila ay walang kakayahan na magkaroon nito, dahil sa kawalan ng oportunidad at katiyakan sa trabaho at kabuhayan at mababang sahod.





















__________________________________________________
KABANATA V:
Buod, Konklusyon at Rekomendasyon
__________________________________________________

Buod
               
                Simula pa ng rehimen ni Ramos ay buo na ang konsepto ng modernisasyon at rehabilitasyon ng Ilog Pasig, nakaayon ito sa Medium Term Philippine Development Plan o mas kilala bilang Philippine 2000 at Globalisasyon kung saan ang pangunahing pagkukunan ng pondo ay nakaasa sa pangungutang sa mga dayuhang bansa. 5,000 pamilya ang pwersahang denemolis at inilagay sa Cavite. Panahon ni Estrada ay itinatag ang PRRC na mangangasiwa sa proyekto muli 5,000 pamilya ang sapilitang dinemolis at inilagay sa Kasiglahan Village sa Montalban, Rizal o kilala sa tawag na “Erap City”
               
Ang proyekto ay Pasig River Development Plan (PRDP) na  pangunahing pinopondohan ng Asian Development Bank (ADB) na may 15 taon program, ang pondo ay umaabot sa 1 bilyong dolyares nagsimula ito noong 1999 hanggang 2014 na ang layunin ay linisin ang ilog hanggang maging “CLASS C” muli ang tubig nito sa pamamagitan ng Waste Water Management at pagpapaalis sa mga Pabrika at mga mamamayan na direktahang dumurumi daw sa ilog.
May 10m Environmental Protection Areas (EPA) na kung saan maapektuhan ang may humigit na 1,500 pamilya sa baybaying Ilog Pasig ng Punta, Sta.ana.
               
                1997 pa lamang ay nagtayo na ng organisasyon ang mga taga-baybaying Ilog Pasig ng Punta ito ay ang Dike Side Organization of Punta (DSOP), ninais nito na magkaroon ng on-site relocation sa marcelo steel compound. Umabot hanggang 3rd hearing ito ng mahinto at hindi nagtagal ay sumang-ayon na ang lider nito at naging kasangkapan ng PRRC upang hikayatin na ang tao na tanggapin ang relokasyon. Hindi pumayag ang mga lider at mga miyembro nito kaya ng makita ng mga mananaliksik ang kalagayang ito agad na gumawa ng plano upang maresolba ang suliranin kasabay nito ay naglabas ang  PRRC ng 30 days notice noong Abril 23, 2008. agad na nagbuo ng group research sa tulong ng 4k at ilang lider na kalahok at matapos maanalisa ang mga pangyayari ay agad na ipinaliwanag sa mga tao ang proyekto at maaring kahantungan nila kung hindi muli lalaban at magkakaisa. Kaya agad na nagtayo muli ng organisasyon na tunay na kakatawan sa interes ng mga kalahok mayo 2, naitatag ang SMBIP, agad itong gumawa ng plano at aksyon, nagkaroon ng mga serye ng mga pulong at edukasyon hinggil sa isyu at ng proyekto at naitaas ito sa panlipunang usapin, naihanda din ang mga miyembro para sa pagtutol at napagkaisa sa prinsipyo at plano. Nagpadala ito ng mga liham sa mga ahensya na sinuportahan ng mga miyembro, dahil ditto ay nahikayat ang PRRC na makipagdayalogo sa SMBIP ngunit walang pinagkasunduan.



Konklusyon
                Ang pakikibaka ng mga mamamayan sa baybaying ilog Pasig ng Punta, Sta.Ana para sa katiyakan sa paninirahan at kabuhayan ay wasto at makatarungan, hindi sapat ang ilipat na lamang sila sa mga inaalok na relokasyon upang magbigay daan sa proyektong pangkaunlaran na ang tunay na makikinabang ay ang mga imperyalistang mamumuhunan
                Kung sinsero ang gobyerno para sa kapakanan ng mga kalahok, ay dapat na ibigay ng libre ang mga pabahay at hindi pinagkakakitaan ang mga naghihirap na at bigyan ng trabaho o kabuhayan upang magkaroon ng panustos sa pang araw araw na pangangailangan sa mga inaalok na relokasyon.

Rekomendasyon

                Dahil sa mga nasipat na suliranin ang mga mananaliksik ay magbibigay ng minimum at maximum na rekomendasyon dahil nauunawaan ng mananaliksik mula sa teoretikal at konseptwal na balangkas nito na tanging sa pagbabago lamang ng lipunang pilipino na mala-pyudal at mala-kolonyal at tumungo ito sa sosyalistang lipunan masasagot ang anumang suliranin sa pabahay.

Minimum
                Ito ay nangangailangan ng kagyat at pansamantala na solusyon sa suliranin sa pabahay na kinakaharap ng mamamayan sa baybaying ilog Pasig ng Punta Sta.Ana.

1. sa usaping organisasyon
                Kinakailangan palakasin at pagtibayin ang SMBIP bilang organisasyong mangunguna sa laban para sa kasiguruhan sa paninirahan at kabuhayan ng mga kalahok. Kinakailangan mapakilos ang mga kalahok at magkaroon ng magandang relasyon at kooperasyon sa panig ng mga liders at miyembro nito.
                Magkaroon ng konkretong plano at aksyon para maabot ang itinakdang layunin nito.
                Mas makakabuti ang mahigpit na ugnayan sa mga progresibong organisasyon tulad ng KADAMAY upang magabayan at humiling ng mga leaders seminar, trainings, edukasyon at iba pa upang maihanda ang buong hanay.

2. sa usapin sa paninirahan/pabahay
                Dahil sa naniniwala ang mga kalahok na hindi pumasa sa pamantayan ng ressetlement action plan ang mga relokasyon na inaalok ay nararapat na magkaroon ng panibagong negosasyon ang PRRC sa SMBIP.
                Dahil sa kalakhan ng kalahok ay tumatanggi sa relokasyon sa Montalban, Rizal maaring makipagnegosasyon na sa relokasyon sa Cardinal Sin Village sa usapin na kinakailangan ay magkaroon ng security of tenure na oras na mabayadan ng mga kalahok ito ng sapat sa iginastos ng pamahalaan ay magkaroon ng titulo. Hikayatin hanggat maari na maging libre na ang pabahay. Isama sa usapin na ito ang simbahan bilang nagmamay-ari ng lupa na kinatitirikan ng tenement na ibigay na ito sa mga tao, kundi man ay magkaroon ng maayos na usapan na libreng ipapagamit ang lupa. Ang layunin lang nito ay mawala ang perpetual rent.
                Humingi ng tulong sa National Union of Peoples Lawyer para sa usaping legal. Makakakuha dito ng libreng abogado, kung hindi tutupad ang PRRC na naayon sa RAP at batas ay maaring kasuhan ang mga ito sa mataas na hukuman.
                Magkaroon din ng alternatibong relokasyon ang mga kalahok dahil kulang ang Slot/Unit sa Cardinal Sin Village, maaring buksan muli ang naudlot na negosasyon sa Marcelo Steel compound para sa on-cite relocation o hindi kaya ay mag-research ng lugar na maaring paglipatan at tayuan ng tenement para sa mga kalahok. Hikayatin ang lokal na gobyerno at pambansang gobyerno na maglaan ng pondo para dito, ipakita na sinsero ang mga kalahok sa usapin sa kasiguraduhan sa pabahay.
3. sa usaping kabuhayan
                Hindi hiwalay na usapin ang katiyakan sa paninirahan sa katiyakan sa kabuhayan. Kinakailangan magiit ang SMBIP na magkaroon ng trabaho at kabuhayan sa mga relokasyon upang magkaroon ng katiyakan sa pang araw araw pangangailangan, gayundin upang mabayadan ang negosyong pabahay na inaalok ng gobyerno sa anyo ng Community Mortgage Program at Ressetlement Action Program ng proyekto. Kung wala ang mga ito walang saysay ang proyekto at hindi nasasagot ang malalim ng suliranin sa pabahay, ang magiging itsura muli nito ay ang pagbalik ng mga nailipat na.
                Kung wala ang katiyakan sa trabaho at kabuhayan ay huwag pumayag ang mga kalahok na umalis, magiit ang SMBIP at makiisa sa panawagan ng mga manggagawa sa katiyakan sa trabaho, paglaban sa kontraktwalisasyon at pagtaas ng sahod para sa matugunan ang mga pang araw araw na pangangailangan.
                Magkaroon ng kabuhayan at tayuan ng mga paggawaan at pabrika sa mga relokasyon upang doon na makapaghanap buhay ang mga kalahok, sa ganitong paraan ay hindi na kainakailangan na mapalayo pamilya at magsipagbalikan sa dikeside.

Maximum
                Ito ay ang pang matagalang solusyon sa suliranin sa pabahay. Ito ay nangangailangn ng isang panlipunang pagbabago sa politika, ekonomiya at kultura ma lalahukan ng mamamayang pilipino.
                Batay kay Friedrich Engels kinakailangan mapawi ang antagonismo sa pagitan ng mga lunsod at nayon, kung gayon ay kinakailangan ng tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon.


Tunay na reporma sa lupa
                Ito ay ang libreng pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka na ang layunin ay isustine ang pangangailangan sa pagkain ng lahat ng pilipino, magamit ng tama ang lupa para sa produksyon ng mga pangangailangan ng bansa at ilimita o tanggalin ang mga hindi kinakailangan at hindi produktibong paggamit sa lupa tulad ng land use convertion na tinatayuan ng mga golf courses ng mayayaman at dayuhan. Bagkus maaring gamitin ang ilang parte nito para sa pabahay.

Pambansang Industriyalisasyon
                Ito ay pagsasabansa ng mga istratehikong industriya na sa kasalukuyan ay nasa pagmamay-ari at kontrol ng mga dayuhang imperyalista at malaking burgesya komprador tulad ng mga minahan, telekominikasyon atbp.
                Kinakailanagan magamit ang mga likas na yaman ng bansa sa pagtatayo ng mga mabibigat na industriya na makakatulong sa pagpapabilis ng produksyon sa pagkain at mga pangangailangan mamamayang Pilipino at makalikha ng mga trabaho sa lahat ng pwersa sa paggawa upang magkaroon ng sapat na panustos sa mga batayang pngangailangan tulad ng pabahay.

TALASANGGUNIAN
Mga aklat
Gurrero,Amado (2005) Maikling Kurso ng Lipunan at Rebolusyong Pilipino
Lenin, V. I. (1986) Introduction to Marx, Engels, Marxism. New York International Publisher.
Matillac, Rosalie. (1994) Sosyo. Manila, Philippines : Asian Social Institute 
Urban Development and Housing Act of 1992 o RA 7279
Dr. Edberto Villegas, Prof Roland Simbulan, Prof Doroteo Abaya. (1900-2000) Ang Kasaysayan at Pakikibaka ng Maralita sa Kalakhang Maynila
Allan Dela Cruz. (1999) Sosyalisadong Pabahay;

Pahayagan
Ang Bayan. (Marso 21, 2008) Mga demolisyon, dulot ng mapaminsalang mga proyekto ni Arroyo
Pinoy Weekly.

Pamplet
Lagutin ang tanikala. Manila: Center for Women’s Resources, 1999

Internet
Habitat International Coalition www.hic-net.org
www.wikifilipino.com



[1]             Isang interview sa mga naninirahan sa isang pulong masa
[2]             (Ed. Aleman, 1887, p. 22..Friedrich Engels, Ang Usapin sa Pabahay, London at NewYork, 1933..Ed.)

[3]             nakuha mula sa paglalahad ni Remilio Tan dating lider ng DSOP
[4]        interview kay Boy
[5]        tingnan sa Talasalitaan ang kahulugan
[6]             Grupong panimulang maghahanda sa pagtayo ng asosasyon/organisasyon